Saturday, April 18, 2015

                “ANG MAHAL KUNG NANAY”
Laki ako ng may pagaaruga ng isang NANAY o LOLA sa ka niya ko naranasan yung pagmamahal na naudlot nong mawala si mama. Siya yung nagsilbing pangalawa kung magulang kasi simula nong mawala si mama parang nawala narin yung attention ni papa sa akin. Simula gardes school hangang high school NANAY ko ang umaattend sa mga meeting, graduation, at mga iba pang activity sa school kung meron man. NANAY din ang gumagawa ng way para makabayad ako sa tuition fee, pamasahe araw-araw, ni minsan hindi ko naramdaman o nakita na nag reklamo si NANAY dahil ang hangarin niya para sa akin ay ang makatapos ako ng high school.

Maraming salamat NAY sa lahat-lahat ng pagaaruga, pagmamahal na ipinadama mo sa akin dahil kung wala ka walang destination yung buhay ko ngayon.
“DON’T GIVE UP”
`               
                      Lahat naman siguro tayo ganito ang pananaw  ang “HUWAG SUMUKO” sa mga pagsubok na dumaan sa ating buhay mapa-problema sa financial, family, pag-aaral,  lovelife (ehhemm), atc.

                Ito ay (3) salita lamang na sana matandaan mo habang ikaw ay nabubuhay pa, kasi once nakalimotan mo to parang nakalimot ka na rin sa mga napagdaanan mo noon. Wag mong sukuan ang mga bagay na alam mo naman na panandalian lang mangyari kasi sinubok ka lang ng panginoon kung gaano ka katibay o katatag  sa mga problema. Kaya THINK POSITIVE and DON’T GIVE UP.


Thursday, April 16, 2015

"GRADUATION"
   Sigurado ka ba na gagraduate ka ? Dahil sa dami ng ginagawa at requirements na kailangan mong maipasa para ma-complete  mo yung hiningi ng mga guro pero ikaw pa-easy easy lang kaya naman pagisipan mong mabuti dahil hangat maaga e kumilos ka na dahil wala kang mararating pag ganyan ka. Ano relate kaba ? Edi wow . . hahaha 

   Ito na siguro yung pinakahihintay ng lahat ang makatungtung sa entablado na suot ang tuga na dati ay pangarap lang at matangap ang diploma na kasama ang magulang o guardian  na proud  na proud dahil sa hirap at pawis na ginagawa niya namaitaguyod ka lang sa  iyong pag-aaral. kaya sa lahat ng magulang OUT THERE, THANK YOU SO MUCH ! !

     Sa lahat ng NAGTAPOS at MAGTATAPOS PA LANG, CONGRATULATIONS ! !

"IKAW ang PANGARAP KO"

        Alam mo kung bakit? kasi ikaw ang nakalaan para sa akin na bigay ng panginoon, kaya aalagaan kita hanggang sa tayo'y tumanda, at magkasama sa hirap at ginhawa. Sabi nga sa kanta ni sharon cuneta na   "KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO !" hindi kita iiwan . . . hehehe


Tuesday, April 14, 2015

"FAMILYA"

Ito ang tanging kayamanan na hindi kayang ipagpalit ng sino man, dahil ito ay bigay ng Maykapal sa atin.

Anim na taon palang ako noong ako'y iniwan ng aking ina.

Kaya para sa akin ang pamilya ay “MAHALAGA”, dahil sila ang nagbigay sa akin ng buhay at kalakasan upang magkaroon ng saysay ang aking pamumuhay dito sa mundong ibabaw.

Para sa akin ang pamilya ay “TULAY”, dahil sila ang nagdudugtong ng mga pangarap na nais kung tahakin.

Para sa akin ang pamilya ay “MUSIKA”, dahil sila ang nagtagtangal ng aking mga mamasakit na pinagdadaanan sa tuwing ako’y mayproblema.

Para sa akin ang pamilya ay “AKLAT”, dahil sa kanila ako natutung magbasa upang maunawaan at matutunan ko ang mga salitang dapat kung malaman.

Ang lahat ng ito ay alay ko para sa kanila, kaya naman ako’y nagpapasalamat dahil binigyan ako ng MAYKAPAL na mabuti at mapagmahal na pamilya.