"FAMILYA"
Ito ang tanging kayamanan na hindi kayang ipagpalit ng sino man, dahil ito ay bigay ng Maykapal sa atin.
Anim na taon palang ako noong ako'y iniwan ng aking ina.
Kaya para sa akin ang pamilya ay “MAHALAGA”, dahil sila ang nagbigay sa akin ng buhay at kalakasan upang magkaroon ng saysay ang aking pamumuhay dito sa mundong ibabaw.Para sa akin ang pamilya ay “TULAY”, dahil sila ang nagdudugtong ng mga pangarap na nais kung tahakin.
Para sa akin ang pamilya ay “MUSIKA”, dahil sila ang nagtagtangal ng aking mga mamasakit na pinagdadaanan sa tuwing ako’y mayproblema.
Para sa akin ang pamilya ay “AKLAT”, dahil sa kanila ako natutung magbasa upang maunawaan at matutunan ko ang mga salitang dapat kung malaman.
Ang lahat ng ito ay alay ko para sa kanila, kaya naman ako’y nagpapasalamat dahil binigyan ako ng MAYKAPAL na mabuti at mapagmahal na pamilya.
No comments:
Post a Comment